Baguio: Pabebenta ng Chicken dungs sa Brgy. Shilan, La Trinidad ipinagbabawal sa rekomendasyon ng Sangguniang Bayan

0
3

La Trinidad, Benguet – Ang Panukalang isara ang negosyo ng Chicken Dung sa Shilan, La Trinidad, Benguet ay ibinigay ng Sangguniang Bayan ng La Trinidad kay Mayor Romeo Salda. Innirekomenda ng Sangguniang Bayan ng La Trinidad kay Mayor Romeo Salda na isagawa na ang closure order ng negosyo ng Chicken Dung sa Shilan, La Trinidad, Benguet.

Visit RPN DZBS Baguio

Kasabay nito, sa regular session nito, Sinabi ni Councilor Bartolome Baldas Jr, ang Chairman ng Committee on laws, na isa mga dahilan kung bakit ipapasara ang negosyo ng Chicken dung sa Shilan ay batay sa inihayag ni dating Court of Appeals judge Romeo Brawner Sr. na ang negosyo ng Chicken Dung ay disturbo sa mga naninirahan doon.

Isa pa sa mga dahilan ay dahil sa administrative order na ipinalabas ni dating La Trinidad Mayor Gregorio Abalos Jr. noong 2010 na ipinagbabawal ang negosyo ng chicken dung dahil mabaho umano ang nasabing produkto.

Matatandaan na hiniling ng Shilan Chicken Manure Truckers and Farmers Association sa lokal na gobierno ng La Trinidad na huwag ipatupad ang closure order. Magkaganon man, hiniling ng naturang assosasyon na dalhin ang panukalang closure order sa kay Mayor Salda at sa Sangguniang Bayan upang masusing mapag aralan ito at makapagbigay ng rekomendasyon. (Joel Cervantes, photo courtesy of Brgy. Shilan, LTB)

Leave a Reply