Baguio: Opisyales ng Cordillera region ginunita ang 36th anniversary ng makasaysayang Mount Data Pact

0
2

(Baguio City – Bauko, Mt. Proviince) Ideneklara ng Malacanang ngayon ang September 13, 2022 na isang special non working holiday sa rehion Kordillera upang gunitain ang ika 36th na anibersaryo ng makasaysayang Mount Data Pact. Na naglalayong makamit ang kapayapaan sa pagitan ng gobierno at Cordillera Bodong Administration at ng Cordillera People’s Liberation Army o ang CBA -CPLA. Ang nasabing deklarasyon na may 49-series of 2022 ay pinirmahan ni Executive Secretary Victor Rodriguez na may pahintulot ni Pangulong Ferdinand “Bong Bong” Marcos Jr. na nagsasabi na dapat lang gunitain ang mahalagang bahagi ng kasaysayan na ito ng mga mamamayan ng Kordillera.

Ngunit ang nasabing paggunita ay dapat gawin na maingat dahil sa kasalukuang pandemia. Ang nasabing parte ng kasaysayan ay nagtapos sa matagal na hidwaan sa pagitan ng gobierno at ng Cordillera Bodong Administration at ng Cordillera People’s Liberation Army na nagwakas sa pagkatamo ng kapayapaan sa buong Cordillera region sa pamamagitan ng isang kasunduan.(RPN-BAGUIO/joel Cervantes)

Leave a Reply