Baguio: OFW mula sa Itogon, Benguet nabigyan ng livelihood na pondo mula sa Balik Pinas, Balik Hanapbuhay program

0
7

Itogon, Benguet – Tumanggap ng tag 20,000 pisong halaga ng tseke ang mga anim na OFW’s ng Itogon mula sa Overseas Workers Welfare Administration – Cordillera (OWWA-CAR) itong mga nakaraang araw lamang.

Ibinigay ng nasabing opisina ang nasabing halaga sa benepisaryo doon sa Itogon Municipal Function Hall. Ang pagbabahagi ng tseke ay pinangunahan nila Itogon municipal Mayor Bernard Waclin, OWWA-CAR officers Gina Aliman at Denver Pasigon at tumulong din si Itogon PESO Officer Joceyln Ngail.

Pinangaralan din ni Mayor Waclin ang patuloy na pagbibigay ng OWWA sa ilalim ng  Department of Labor and Employment (DOLE) ang pinansial na tulong sa mga OFWs. Hinikayat niya ang mga ito na gamitin ang kanilang natanggap na pera sa bagay na makakatulong sa ikakabuhay nila ng matagalan.

Ang OWWA at ang “Balik Pinas! Balik Hanapbuhay!” program ang magbibigay ng tulong pangkabuhayan para sa nagbabalik na distressed o displaced OFWs. (Joel Cervantes, photo courtesy of OWWA Baguio)

Leave a Reply