Baguio: NBI-CAR nanawagan sa publiko na huwag magpapaloko sa mga scammers

0
7
NBI-CAR file photo

Baguio City – Hinikayat ng National Bureau of Investigation (NBI) ang publiko lalong lalo na ang mga biktima ng financial scams o panloloko sa kaperahan na mag ulat sa mga otoridad at tulungan silang magsampa ng kaso laban sa scammers o mga manloloko at hulihin sila upang hindi na sila makapanloko pa at maprotektahan ang iba sa pagiging biktima.

Iniulat ni NBI-Cordillera Regional Director Atty. Daniel Daganzo sa Kapihan sa Bagong Pilipinas media forum sa NBI Regional Office sa Lungsod ng Baguio na ang kanilang opisina ay nakakatanggap ng daan daan na reklamo mula sa mga biktima ng panloloko tulad ng Casino Junket, F2M Paalaga ng Baboy, hotel/cottage reservations at ng marami pang iba na may kasamang pera na nagkakahalaga ng bilyong piso.

Ibinahagi ni ginoong Daganzo ang mga modis operandi ng panloloko na hinahawakan ng kanilang ahensiya. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)

(Source: PIA Cordillera)

Leave a Reply