Baguio: Nakahuli ang PRO-Cor ng 40 katao sa isang malakihang manhunt operation sa rehion

0
14

La Trinidad, Benguet – Batay sa talaan mula sa PRO Cordillera Regional Investigation and Detective Management Division, ang Baguio City Police Office ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang pag aresto na may 20 pinaghahanap ng batas ang nahuli.

Sinundan ito ng Benguet Police Provincial Office (PPO) na may 10 huli, ang Abra Police Provinnncial Office na may 7 huli at Mountain Province Police Provincial Office na may tatlong huli.

Sa nahuling mga tao, anim ang naitalang pinaghahanap ng batas o ang tinatawag na most wanted persons, na may apat ang naitala sa provincial level at isa bawat lungsod at station level. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of RPIO Regional Office Police Cordillera)

Leave a Reply