Baguio: Nakadiskubre ang Kalinga PPO ng Php 3,450,000 halaga ng marijuana sa magkahiwalay na operasyon na isinagawa sa Tinglayan, Kalinga

0
5
photo courtesy of PRO-COR

Tinglayan, Kalinga – Ang mga kapulisan Kalinga Police Provincial Office (PPO) na sinasabing tawag sa kanila na Lumin-awa cops ay naka diskubre ng taniman ng marijuana sa halaga ng P3,450,000 worth of marijuana plants, ito’y naisagawa ng kanilang pagsaliksid sa lugar ng isang barangay ng Tinglayan, Kalinga.

Walang nahuli na kung sino ang may-ari ngunit patuloy ang pag-imbistiga ng mga pulis sa nasabing taniman.

Samantala, mayroon humantong sa pagkakahuli ng isang 21-taong gulang na lalaki kasunod ng isinagawang operasyon ng mga maykapangyarihan doon. Ang pag aresto ay ginawa matapos makatanggap ng tip mula sa isang mamamayan doon tungkol sa kahinahinalang galaw ng isang indibidual na nagbibijiahe ng pinatuyong dahon ng Marijuana mula sa Brgy. Bugnay hanggang sa lungsod ng Tabuk.

Sa mabilis na pagresponde ng mga otoridad doon, linapitan nila ang suspek na may dala-dalang bag. Sa kanilang paginspeksyon, nakadiskubre sila ng limang nakabalonbon na pinatuyong dahon ng Marijuana na may bigat na tinatayang 5,000 gramo na nagkakahalaga ng Php600,000.00.

Ang suspek ay humaharap ngayon sa paglabag sa R.A. 9165, na mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Jimmy Bernabe | Joel Cervantes)

(Source: PRO-COR)

Leave a Reply