Baguio: Naiwanang kuta ng New People’s Army nadiskubre sa probinsiya ng Mountain Province

0
5
photo courtesy of PRO-CAR

Camp Dangwa, La Trinidad, Benguet – Nakadiskubre ang mga tauhan ng Mountain Province Police Provincial Office naiwanang kuta ng New People’s Army sa Besao, Mountain Province noong araw ng Octobre 15, 2024.

Ayon sa ulat na isinumite to PRO-CAR Regional Director PBGen. David K. Peredo Jr., ang iniwanang kuta ng New People’s Army ay natagpuan ng pinagsanib na operatiba ng 1st Mountain Province Provincial Mobile Force Company (PMFC) at ng Besao Municipal Police Station sa kagubatan ng Sitio Mapao, Brgy. Gueday, Besao Mountain Province habang ang mga ito ay nagsasagawa ng major Internal Security Operation sa naturang lugar.

Sa kanilang natuklasan, nakakuha sila ng sampung piraso ng Ammonium Nitrate–Fuel Oil nakabalot sa ice candy wrappers, anim na piraso ng lalagyan ng Improvised Explosive Device (IED), apat na piraso ng dynamite sticks, isng IED grenade, subersibong documento documents, at iba pang personal na gamit.

Samantala, ang mga naturang operatiba ay patuloy sa paggalugad sa kalapit na mga lugar maaaring pinagkukutaan ng rebeldeng grupo upang makabawi pa ng iba pang mga pampasabog. Ito ay bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO-CAR) na tapusin na ang Local Communist Armed Conflict. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)

(Source: PRO-CAR)

Leave a Reply