Baguio: Nagsagawa ng seminar ang OWWA at DMA CAR tungkol sa anti-illegal recruitment at mga benepisyo para sa mga OFWs

0
11
photo courtesy of PIO Itogon

Poblacion, Itogon – Ang rehional na mga opisina ng Department of Migrant Workers (DMW) at ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ay nagsagawa ng seminar patungkol sa Anti-Illegal Recruitment at Trafficking-in-Person (AIR-TIP) sa Municipal Gymnasium sa Poblacion, Itogon kamakailan lamang.

Ang isang araw na seminar, ay isinaayos ng Benguet Provincial Employment Service Office (PESO) sa pangunguna nila Julie P. Tabcao at Itogon PESO Donna T. Comising, ng Itogon PESO ang dinaluhan ng opisyal ng munisipyo at ng mga barangay, mga tauhan ng pulis itogon at maging ng mga bumbero ng nasabing munisipyo at ang mga OFW na nagmula sa Itogon.

Sa kanyang mensahe, pinapapurihan ni Mayor Bernard S. Waclin ang DMW-CAR at ang OWWA CAR sa pagsasagawa ng seminar sa munisipyo ng itogon.

Hinikayat din niya ang mga sumali at dumalo na ipakalat ang impormasyon para rin sa kapakanan ng mga OFW ng naturang munisipyo. Nagbigay ng komprehensibong pagtuturo si DMW CAR Officer Rexton E. Falag-ey patungkol sa mga programa ng DMW at serbisyo nito kasama rito ang impormasyon tungkol sa mga modus operandi ng illegal recruiters, ang tamang paraan ng pangangalap ng magtatrabaho at ang mga kinakailangang dokumento.

Habang si OWWA CAR Officer Lourdes Estopacio ay tinalakay ang programa ng OWWA at ang mga serbisyo nito kabilang ang social benefits para sa OFWs, ang repatriation services, at ang reintegration assistance.

Samantala, hinikayat ng DMW CAR at OWWA CAR ang publiko na bumisita sa kanilang opisina sa anumang katanungan na may kaugnayan sa mga serbisyo para sa mga OFWs at ang kanilang kapamilya. Sa balik paaralan, ang kapulisan ng itogon nagpaalaala sa mga magulang hingil sa kaligtasan ng kanilang mga anak.

Pinayuhan ni Itogon Police Chief Mac Kenley A. Mayomis ang mga magulang ng mga kabataan nagmamaneho ng motorsiklo at sasakayan sa isinagawang pagtataas ng watawat noong Lunes ng umaga sa Municipal Gym sa Poblacion, Itogon.

Inahalimbawa ni PMAJ Mayomis ang mga insidente na kung saan ang mga kabataan ay nahuling nagmamaneho ng motor at sasakyan patungo sa kanilang paaralan. Kanyang sinabi naging maluwag ang Itogon Police sa pagpaparusa sa mga lumalabag dahil sa pagiging maunawain ang mga ito.

Hinikayat ng naturang hepe ng pulis ang kanyang kapwa lingkod ng bayan na tumulong sa paggabay sa mga mag aaral lalong lalo na nag umpisa ang mga klase ngayong panahon ng tag-ulan. Kanyang binigyang diin ang kaligtasan ng mga magaaral ay ang pangunahing prioyoridad. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe)

(Source: PIO Itogon)

Leave a Reply