Bokod, Benguet – Higit sa limangpong Tricycle Franchise sa munisipio ng Bokod, Benguet naging ganap na operational na. Ang prangkisa ng tricycle ang naitala ng lokal na gobierno ng Bokod na ganap operational, Ayon kay Vice Mayor Erik Donn Ignacio.
Sinabi ni Ignacio na karamihan sa mga ito ay mga bagong units ng tricycle at ang maganda nitto ay hindi maiingay. Sa kasalukuyan, sinabi niya na ang mga rota ng mga tricycle ay ang bahagi ng mga Barangay Ambuklao, Poblacion at ng Daklan.
Sinabi rin niya na kanilang pag aaralan ang patas na pagbibigay ng pasahe dahil sa ilan sa mga isyu sa mga ito ay ang pagsingil ng mataas na pamasahe. Kanyang sinabi na kasalukuyan ang pagdinig kaugnay sa nasabing bagay para na rin sa ikakabuti ng mga mananakay at ng mga tricycle operators.
Kanyang idinagdag na hihilingin nila ang pagtanggap ng mga tricycle operators na ibaba nila ang pamasahe dahil sa nag uumpisa pa lang sila ng serbisyo sa mga mamamayan. (Joel Cervantes, photo courtesy of LGU Bokod)
