Baguio: Mga tatlong batang matagumpay na mga magsasaka ipinakita sa ika anim na Benguet Farmer’s Congress

0
19

La Trinidad, Benguet – Ipinakita at nagsilbing pangunahing presenter ang tatlong nagwagi sa Young Farmer’s Challenge mula sa probinsya ng Benguet sa naganap na ika-6th Benguet Farmer’s Congress sa kapitolyo noong Martes, Hunio a 27, 2023.

Ibinahaging mga batang magsasaka ang sariling kakayahan at karanasan, magandang nakagawian at ang modelo na konsepto upang matagumpay sa larangan ng negosyong pangsakahan.

Inaasahan na magiging inspirasyon ng iba pang magsasaka o ang mga hardinero ng Benguet lalo na yong naghahangad na maging negosiyanteng magsasaka sa pamamagitan ng patotoo o testimonya ng mga nagwagi sa national young farmer’s challenge.

Ang mga matagumpay na mga batang magsasaka at negosyante ay sila Binibining. Jomarie Mangeg, ginoong Denver Biang at Ginoong Shawnie Dale Bitso.

Si Ms. Mangeg ay tubo ng Buyacaoan, Buguias, producer at processor ng kendeng tamarillo at 2022 Young Farmer’s Challenge National Awardee.

Si Ginoong Biang ay naninirahan sa Bineng, La Trinidad, isang vegetable seedlings propagator at producer, ang may-ari ng Saymayat Vegetable Farming at 2021 Young Farmer’s Challenge Awardee.

Ganon din si Ginoong Bitso na taga Poblacion, Tuba, isang mushroom producer, may-ari ng Sanagi Agri-Tourism Farm at 2021 Young Farmer’s Challenge National Awardee. (Joel Cervantes, photo courtesy of PIO Benguet)

Leave a Reply