Baguio: Mga pribado at government testing laboratories sinabihan na magsumite ng Certified Water Tests

0
9
photo courtesy of PIO Baguio

Baguio City – Inatasan ng konseho ng Lungsod ng Baguio ang pribado at government water testing laboratories o pasilidad na gumagana sa lungsod at sa ibang lugar labas sa lungsod ngunit ng bibigay ng tubig inumin sa mga drinking water refilling stations sa Baguio na magsumite sa City Health Services Office (CHSO) sa loob ng 24 oras mula sa pagpapalabas ng certified bacteriological and physio-chemical water tests na may positibo o di kaaya ayang resulta para sa kaalaman at para karampatang aksyon.

Sa ilalim ng naturang ordinansiya, ang kalusugan ng mamamayan ng lungsod ang pangunahin at ang nasabing ordinansiya o batas ay upang tiyakin ang tubig ay ligtas at maaring mainom at ang tubig na nagmumula sa ibang pinagkukunan ay naayon sa pamantayan na itinakda ng Philippine National Standards for Drinking Water (PNSDW).

Ang pamantayan ng Philippine National Standards for Drinking Water PNSDW ay sakop ang lahat ng drinking water service providers, kabilang gobierno at pribadong developers at operators, bulk water suppliers, water refilling station operators at water vending machine operators, ice manufacturers, ang lahat ng kainan, residential, commercial at industrial at institutional buildings na gumagamit o nagsisilbi ng maiinom na tubig, water testing laboratories; health and sanitation na maykapangyarihan, ang publiko at ang iba pa na kasama sa pagpapapasya sa ligtas na maiinom na tubig.

Samantala, ang Permits and Licensing Division sa pakikipagtulungan ng CHSO ang magsasagawa ng pagsarado ng pasilidad o establisimento at pagsubaybay sa pagsunod ng nasabing operator oservice provider sa kautusan na ipinalabas ng CHSO.

Ang CHSO ang magpapataw ng multa na nagkakahalaga ng P2,000 at pansamantalang pagkasarado sa unang paglabag, ang pagbabayad ng multa sa halagang of P3,000 at pagkabilinga ng 20 araw sa ikalawang paglabag at multa ng P5,000 at permanenteng pagkakasara ng establisimento. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe)

(Source: PIO Baguio)

Leave a Reply