Baguio: Mga pinsala na sanhi ng Bagyo Betty sa agrikultura sa Benguet tinitipon

0
7

La Trinidad, Benguet – Kasalukuyang pang pinagtitipon-tipon ng Office of the Provincial Agriculture (OPAg)-Benguet ang mga napinsala ng bagyong Betty sa probinsiya ng Benguet sa larangan ng agricultural.

Ayon kay Provincial Agriculturist Delinia Juan, sa kasalukuyan ay hinihintay pa nila ang mga ulat mula sa iba’t ibang munisipyo dahil ang iba ay wala pang kuryente kaya hindi sila makapaghatid ng kanilang mga ulat.

Samantala, Minsan pang inulit ng Provincial Agriculturist na mayroon silang sinusunod lalong lalo na ng opisina ng provincial at municipal agriculture na protocol at guidelines sa pagkilala nila sa mga karapatdapat na mabigyan ng tulong.

Kanyang idinagdag na lalong mabuti kung agad agad nang mag uulat ang mga magsasaka ng Bokod sa Municipal Agriculture Office nila sa mga nasira nilang mga pananamim, sa mga kalamidad upang mabigyan sila ng tulong mula sa gobierno.

Sinabi pa niya na sa pamamagitan nito ay mayroon silang pagbabatayan na opisyal na ulat at dito nila malalaman kung anong tulong ang maaring ibigay sa mga naapektuhang mga magsasaka. (Joel Cervantes, photo courtesy of PIO Benguet)

Leave a Reply