Baguio: Mga operation laban sa illegal na droga na isinagawa ng PRO-COR noong nakaraang linggo

0
12
photo courtesy of PRO-COR

Camp Bado, Dangwa, La Trinidad, Benguet – Nakasamsam ang Police Regional Office Cordillera ng illegal druga na nagkakahalaga ng PhP11,777,868.00 at ang pagkaaresto ng siyam na katao na hinihinalang tulak ng druga sa isang linggong anti-illegal drugs operation na isinagawa sa rehion na magmula noong Mayo a 13 hanggang 19, ng taong ito.

Ayon sa ulat ng Regional Operations Division, ang mga nahuling suspek ay nakitaan ng pinagsamang kabuang 46.01 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng PhP312,868.00.

Samantala sa magkahintulad na balita ang Benguet Police Provincial Office (PPO) ay nakahuli ng limang katao habang ang Baguio City Police Office ay nakaaresto ng dalawang kato at ang Abra Police Provinicial Office at ang Kalinga Police Provincial Office ay nakahuli ng tag iisang katao. Sa mga nahuling suspeks, pito ang nakilalang High-Value Individuals, at ang dalawa ay nakilala bilang Street-Level Individuals. Ang lahat ng nahuli ay humaharap sa paglabag sa R.A. 9165, o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa kapareho ding linggo, lima sa marijuana eradication operations ang isinagawang magkahiwalay sa probinsiya ng Benguet at Kalinga. Ang naturang operasyon ay nagresulta sa pagkakadiskubre ng 56,125 ng ganap na laking tanim na Marijuana at 2,000 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na may fruiting tops o bunga nagkakahalaga ng PhP11,465,000.00.

Ang mga nasamsam na Marijuana ay sinunog matapos na magawan ng pagdodokumento at patuloy ang pagsasagawa ng follow-up operations upang matukoy ang iba pang marijuana plantation sites at mahuli ang mga manananim nito.

Bilang karagdagan, ang kapulisan ay patuloy sa pagsasagawa ng pagbisita sa mga barangay at pagsasagawa ng kampanyang pag impormasyon upang paigtingin ang laban sa illegal na druga. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe)

(Source: PRO-COR)

Leave a Reply