Baguio: Mga operatiba ng Kibungan pulis nagsagawa ng marijuana eradication at sila’y nagtagumpay

0
3

Tacadang, Kibungan, Benguet – Sa Munisipyo ng Kibungan, higit sa 4,900 piraso ng marijuana seedlings na nagkakahalaga ng ₱196,000.00 ang nadiskubre naitanim sa communal forest na matatagpuan sa Sitio Lanipew, Barangay Tacadang, Kibungan, Benguet noong araw ng Viernes, Hunyo a 30, 2023.

Agad na binunot at sinunog ng mga pulis ang mga illegal na pananim sa mismong lugar kung saan nila natagpuan ang mga ito.

Bago binunot ng mga maykapangyarihan sa nasabing mga taniman ito’y naidocumento at tuloy ang pagsasagawa ng pagsisiyasat kung sino ang salarin sa naturang tanim wala silang naabutan na tagapaalaga. (Joel Cervantes, photo courtesy of Kibungan MPS)

Leave a Reply