Baguio: Mga miyembro ng Kalinga Police Provincial Office matagumpay nalipol ang 10.9 milyong pisong halaga ng tanim na marijuana sa naturang probinsiya

0
13
photo courtesy of PRO-COR

Camp Bado Dangwa, La Trinidad – Ang mga miyembro ng Kalinga Police Provincial Office (PPO) ay nakadiskubre at sinunog ang tanim na Marijuana nagkakahalaga ng mahigit sa sampung milyong piso sa Tinglayan, Kalinga noong araw ng linggo.

Ito ay bahagi ng kanilang patuloy na kampanya laban sa pagsugpo ng pagtatanim ng Marijuana sa probinsiya ng Kalinga.

Ayon sa ulat mula sa Regional Operations Division ng PRO-CAR, the PNP Drug Enforcement Group, Special Operation Unit-CAR, katuwang ang iba pang maykapangyarihan ay nagsagawa ng pagsugpo ng Marijuana sa Barangay Ngibat, naging sanhi sa pagkakadiskubre ng tinatayang 54,500 piraso ng ganap na laking tanim na Marijuana plants na nagkakahalaga ng PhP10,900,000.00.

Ang lahat na diskubre na mga tanim na Marijuana ay binunot at sinunog mismo sa naturang lugar habang ang iba pang miyembro ng operatiba ay patuloy sa pagsasagawa ng masusing imbestigasyon upang matukoy ang mga nasa likod ng mga ito. (Jimmy Bernabe | Joel Cervantes)

(Source: PRO-COR)

Leave a Reply