Baguio City – Nagtulong tulong ang mga ahensiya ng gobierno sa ilalim ng Opisina ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pamamagitan ni Presidential Assistant for CAR assistant Secretary Tony Boy Tabora na bigyan ng solusyon ang karaingan ng mga magsasaka ng mais sa iba’t ibang bahagi ng rehion Cordillera sa isanagawang pagkikita sa Colione Bed & Breakfast, Ferguson Road sa Lungsod ng Baguio noong Octobre 6, 2024.
Partikular naroon ang Department of Agriculture-CAR Regional Director Jennylyn Dawayan at ang kinatawan ng Department of Social Welfare and Development at ng Department of Labor and Development.
Ayon sa natanggap na ulat mula sa mga kinatawan ng magsasaka ang mais sa Alfonso Lista, Ifugao at Paracelis, Mountain Province, ang naaning mais ay hindi gaanong nabibili dahil sa anila ay iba’t ibang sanhi tulad ng Climate Change, kawalan ng Dryer, at farm to market road.
Anila, ang mga bumibili sa kanila ay ang traders mula pa ng Isabela na binabarat umano ang kanilang presyo. Nais nilang ng solusyon upang hindi naman malugi ang mga magsasaka ng Mais sa kanilang mga lugar. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)
(Source: DA-CAR)
