Baguio: Mga Kasapi ng PRO-CAR Officers Ladies Club nagtaguyod ng kamalayan sa kalikasan

0
18
photo courtesy of PRO-COR

La Trinidad, Benguet – Ang mga kasapi ng PRO-CAR Officers Ladies Club (OLC) ay nagsagawa ng tree planting activity sa Warrior’s Nest sa Brgy Puguis, La Trinidad, Benguet, noong linggo.

Ang naturang kaganapan ay aktibong dinaluhan ng OLC Adviser na walang iba kundi si Ginang Grace Peredo, kasama din ang tumatayong pansamantalang hepe ng Regional Information and Communications Technology Management Division ng PRO-CAR, na si PCol Vivian B. Paclibon; Ang Pangulo ng PRO-CAR OLC, na si ginang Arlene Olsim; at ng iba pang kasapi ng Officers Ladies Club o OLC.

Sa kanilang pagsasamasama, sila ay nakapagtanim ng may kabuang dami ng binhi ng kape na may kabuang 50 nito sa paligid ng Warrior’s Nest.

Nais nitong padamihin ang mga punong kahoy doon, hikayatin ang pangangasiwa ng kalikasan at ipagpatuloy ang pagsasamasama ng kommunidad at ang tungkulin ng bawat isa sa pangangalaga ng kalikasan. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe)

(Source: PRO-COR)

Leave a Reply