Baguio: Mga kahoy nasabat ng pulis La Trinidad Benguet at MENRO Office sa pagmamagitan pagreklamo ng residente

0
10

La Trinidad, Benguet – Nakasamsam sa abot sa 126 piraso ng 2″x3″x10″ na kahoy sa Talinguroy, Wangal, La Trinidad noong Mierkules sa pamamagitan ng magkatuwang na operasyon na isinagawa ng Municipal Environment and Natural Resources Office, La Trinidad Municipal Police Station at ng Community Environment and Natural Resources Office Baguio.

Ayon kay Police Executive Master Sergeant Mario Pol-okan, ang Chief Clerk ng Investigation and Management Section ng La Trinidad MPS, humiling ang MENRO ng police assistance upang tignan at puntahan upang malaman ang reklamo ng isang naninirahan doon sa Sitio Talinguroy kaugnay sa isang away sa lupa.

Bago dumating sila sa nasabing lugar, nadiskubre sila ng mga natistis na kahoy na pino o pine lumber naiwan sa gilid ng daan.  Ang mga nasabing kahoy ay kabuang 630 board feet at nagkakahalaga ng P37,800. Dahil walang umaangkin, ang mga kahoy ay dinala sa CENRO Pacdal Baguio City para sa tamang disposisyon.

Kasabay nanawagan si Municipal Environment and Natural Resources Officer Arthur Pedro sa mga mamamayan na bago sila pumutol ng kahoy kailangan muna silang kumuha ng cutting permit mula sa DENR. (Joel Cervantes, photo courtesy of MENRO La Trinidad)

Leave a Reply