Sunday, April 28, 2024

Baguio: Mayor ng Sablan Benguet at mayor ng Burgos, La union nagkita sa unang araw ng kanilang trabaho bilang ama ng kanilang bayan sinasakupan

- Advertisement -

Sa unang pagkakataong  ang mayor ng Sablan at mayor ng Burgos, La union ay nagkita . Walang paltos na binisita si Mayor ng Sablan, Benguet na si Alfredo Dacumos Jr., si mayor elect Delfin  Comedis jr.,  sa malapit na bayan sa La Union.   Ito ay unang termino bilang mayor ng bayan ng Sablan Benguet  si Dacumos gayon din ang pasasalamat ni mayor elect Delfin Comedis Jr., ang pagbisita ng kaniyang  kalapit na bayan na Sablan. Ayon sa dalawang mayor, ito ay isang halimbawa sa mga kababayan natin meron pagkakaisa na makita mga kababayan sa mga pinamumunoan nila. Ang Sablan, Benguet at Burgos La union ay iisa noong panahon pero itoy nahati, ang isa napunta sa probinsiya ng Benguet at yong  kalahati ay  napunta sa La union.  Ang bayan ng Burgos, La union ay siyang pinaggagaling ng mga  makukulay na walis tambo.  Kung saan  ang Sablan naman ito ay pinunpuntaan nga mga turista para bumili ng mga gulay, prutas at walis tambo.

Samantala  pinasalamatan ni Mayor Comedis lahat na dumalo sa kanilang sabay-sabay na victory parting programa. Pinugay din ni mayor Comedis si  Vice Mayor  elect Annie Alodos Patinglag bilang  babae na mamumuno sa panig ng legislatura sa kanilang bayan Burgos. Ang mga nabotohan sa ang konsehal ay sina Mario Martinez, Efren Hidalgo, Marlon Gumba, Dante Cabinto, Betty Jean Arsitio, Domingo Abansi, Alano Gascon at Daniel Nisperos.  Laking salamat din sa  tagapangasiwa ng kultura o IPMR  si Willy Canuto, SK Lester Pater at ABC Denis Comedis. Ang pantay-pantay na serbisyo sa mga tao ang kailangan ipatupad ayon kay mayor Delfin Comedis Jr. (RPN-BAGUIO/ JOEL CERVANTES)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -