Sunday, April 28, 2024

Baguio: Mayor Benjamin Magalong muling hiniling sa mga operator ng Public Utility Vehicles na habaan pa nila ang kanilang operation hours

- Advertisement -

Baguio City – ang panawagan ni Mayor Benjamin Magalong na kanyang sinabi noong minsan niyang nakapulong ang mga public utility vehicle (PUV) associations at hiniling niya sa kanila na palawigin pa ang kanilang operating hours alang-alang sa kapakanan ng mga mananakay.

Kung inyong matatandaan sa bakuran ng City Hall, nanawagan din ang lokal na gobierno ng ganon ding panawagan sa mga operators ng PUV kabilang dito ang mga taxi drivers upang matugunan ang pangangailangan ng mga mananakay sa gabi.

Ayon sa Mayor na ang ilan sa mananakay ay walang pagpipilian kundi sumakay na lamang ng colorum na sasakyan tulad taxi o pampasaherong Jeepney lalo na gabi dahil sa kakulangan ng Public Utility Vehicles sa ganong oras ng gabi.

Magkaganon man, kanyang binigyang diin na hindi hahayaan ng lokal na gobierno ang mga colorum PUVs na magsakay ng pasahero dahil sa hindi ito makatarungan sa lehetimong PUVs at ang lungsod ay hinihikayat na ang lahat ay sumunod sa batas.

Bilang karagdagan sinabi ni Magalong na “kung gusto nilang ma-legitimo ang kanilang mga sasakyan, kailangan ipa-registro nila sa LTO at LTFRB. Maliban dyan, ay “walang mga insurance ang mga ito, paano kung may mangyari, kaya kailangan nang ipatupad ang batas dyan”, anya nya. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe)

(Source: Baguio City Public Information Office)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -