Sunday, April 28, 2024

Baguio: Mahigit sa 38-milyong halaga ng illegal na druga, nasamsam; 11 drug personalidad, huli

- Advertisement -

Camp Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet – Nakasamsam ang Police Regional Office Cordillera, ng may kabuang PhP 38,831,265.00 halaga ng druga at 11 drug personality itong nakaraang linggo.

Sinabi ni Regional Director, PB General Davis K. Peredo Jr., ang mga 11 suspeks ay naaresto matapos na makitaan sila ng may kabuang 30.12 gramo na shabu na nagkakahalaga ng PhP204,816.00.

Sa mga nahuling limang katao, ang kinilala bilang high-value drug personalities, habang ang anim ay kinililala bilang street-level individuals.
Napag-alaman na ang probinsiya ng Benguet ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng nahuling katao na may kabuang apat. Sinundan ito ng lungsod ng Baguio at probinsiya ng Kalinga na may tatlong naaresto at isa ang nahuli sa probinsiya ng Abra.

Ang mga illegal druga at naarestong suspeks ay dinala ng nakahuling yunits para madukumento at sa karampatang disposesyon, habang inihahanda ang sala sa paglabag ng Republic Act 9165, na mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, laban sa kanila.

Bilang karagdagan, ang iba pang police drug operations ay nagresulta din sa pagkakadiskubre ng 109,170 piraso ng mga ganap na laking tanim na Marijuana, 937 na dahon ng Marijuana at maging ng tinatawag na fruiting tops nito, at maging 139,000 piraso ng mga sanga ng ipinagbabawal na halaman na nagkakahalaga ng PhP 38,626,440.00.

Matapos ang pagkakadiskubre, ang lahat ng mga ito ay sinunog habang ang mga kasapi ng operatiba ay nagsasagawa ng follow-up operations upang matunton ang iba pang marijuana plantation sites at ang mga manananim nito. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe)

(Source: PRO Cordillera PIO)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -