Baguio: Mahigit na isang milyong piso halaga ng tanim na marijuana sinunog sa Tinglayan, Kalinga

0
47
photo courtesy of PRO-COR

Tinglayan, Kalinga – Ang mga tauahn ng Kalinga Police Provincial Office (PPO) ang natuklasan at sinunog ang Php1,050,000.00 halaga ng tanim na Marijuana sa Tinglayan, Kalinga noong Agosto 26, 2024.

Ayon sa ulat ng Regional Operations Division, May kabuuang 5,250 piraso ng fully grown na tanim na Marijuana na nagkakahalaga ng Php1,050,000.00 ang natuklasan sa Brgy. Besao, Tinglayan, sa isinagawang pagsugpo sa illegal na tanim ng magkuwang na operatiba ng operatiba ng Tinglayan Municipal Police Station (MPS), at ng iba pang tagapagpatupad ng batas at ng PDEA-Kalinga.

Ang lahat na tanim na Marijuana ay binunot at sinunog sa mismong lugar kung saan sila natagpuan matapos itong madukumento.

Samantala, ang mga tauhan ng Tinglayan Municipal Police Station ay patuloy ang pagsasagawa ng imbestigasyon upang makilala ang iba pang taniman ng Marijuana sa naturang lugar at mahuli ang mga taong responsible sa pagtatanim nito. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)

(Source: PRO-COR)

Leave a Reply