Baguio: Mahigit na isang libong taon pinaghahanap ng batas ang nahuli noong nakaraang taon

0
7
photo courtesy of PIO Baguio

Baguio City – Iniulat ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO-CAR) nasubaybayan at nakahuli ang kanilang mga tauhan ng  mahigit libong katao na pinaghahanap ng batas noong nakaraang 2024. Sinabi ng PRO-CAR na may kabuang 1,657 pinaghahanap ng batas ang nahuli sa panahon ng kanilang kampanya laban sa pinaghahanap ng batas na mga tao sa rehion Cordillera mula Enero a primero hangang Disyembre a 31 noong nakaraang taon.

Ayon sa ulat ng  PRO-CAR Regional Investigation and Detective Management Division na ang  Baguio City Police Office ay nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng pagkaaresto na may 632 pinaghahanap ng batas na mga tao. Sinundan ito ng Benguet Police Provincial Office (PPO) na may 454 na aresto. Habang ang Kalinga nakapagtala ng  147 nahuling mga tao, , Abra na may  137 nahuli, ang  Ifugao may  122 ,ang Mountain Province ay may 88 nahuli at ang  Apayao ay may  77 pinaghahanap ng batas na mga taong.

Samantala, nagpahayag ng pagpapahalaga si PRO-CAR Regional Director PBGen. David Peredo Jr. sa walang maliw na dediskasyon ng mga tauhan ng  PRO-CAR sa pagsagawa ng operasyon sa paghahanap.  Anya ang mga pagsisikap na ito ay naging sanhi sa matagumpay na pagkaaresto ng  maraming tao na pinaghahanap ng batas. Kaligtasan ng publiko, pangunahing dahilan kung bakit ang kampanya sa nakalawit ng mga kawad ay patuloy na isinasagawa sa lungsod ng Baguio. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/Source: PIO Baguio)

Leave a Reply