Baguio: Mahigit na 2000 pulis itinalaga na ng PRO-CAR sa iba’t ibang bahagi ng rehion Cordillera sa panahon ng pagpila ng pagkakandidato

0
7
photo courtesy of PRO CAR

Camp Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet – Nagtalaga na ang Police Regional Office-CAR ng 2,481 na pulis sa iba’t ibang bahagi ng Cordillera Administrative Region upang matiyak ang kaayusan at kapayapaan sa kabuan ng pagpipila ng pagkakandidato o Certificates of Candidacy.

Ito ang ipinahayag ni PRO-CAR Regional Director David K. Peredo Jr. Sinabi ni Peredo na ang mga pulis ng PRO-CAR ay sinimulan ng italaga noong unang araw ng Oktubre hanggang a 8 o bukas at itatalaga sa iba’t ibang filing locations upang tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng mga nagpipilang kandidato.

Maaring sila ay magbigay ng tulong sa pagmamando ng trapiko, matiyak ang kaligtasan ng publiko at tugunan ang anumang problema na maaring lumitaw sa proceso ng pagpipila.

Anya ang anting kapulisan ay nakahanda upang itaguyod ang isang patas at ligtas na kapaligiran para sa lahat mga kandidato, ang publiko at ng kommunidad. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)

(Source: PRO-CAR)

Leave a Reply