Baguio: Magkakaroon ng HEALTHIER Benguet Caravan sa Buguias

0
9
photo courtesy of PIO Benguet

Benguet Province – Inaanyayahan ni Benguet Governor Dr. Melchor Daguines Diclas ang lahat ng mga taga Buguias na samantalahin ang iba’t ibang serbisyong medical-dental at ang iba pang serbisyo ng gobierno na inaalok ng HEALTHIER Benguet Caravan sa pangunguna ng pamahalaang probinsiyal ng Benguet sa pakikipagtulungan ng Munisipyo ng Buguias sa pamumuno ni Mayor Ruben Tinda-an.

Ang naturang caravan ay nakatakdang gawin sa Nobyembre a 28, 2024 sa Socio-Cultural and Evacuation Center sa Loo, Buguias, Benguet. Ang mga serbisyong ibibigay ay ang mga sumusunod:

1. MEDICAL-DENTAL MISSION
•tulad ng Minor Surgery
– pagtutuli o circumcision
– Incision
• Consultation
• Ultrasound
• Laboratory Services
• ECG
• Eye Checkup
• Dental
• X-ray

2. pagbibigay ng serbisyong PARALEGAL
• Notarization of simple documents

3. Pagbabahagi ng FOOD PACKS sa mga batang may kapansanan.

4. Serbisyong pang beterenaryo
• Spay & Neuter (”Kapon”)
• Rabies Vaccination
• Deworming
• Consultation
• Mange Treatment (”Gudgud”)
• Cattle Artificial Insemination

5. ang pagbabayad ng ameilyar o REAL PROPERTY TAX (RPT) COLLECTION

6. ang pamamahagi ng pataba at binhi. &

7. ang pamamahagi at pagpapalabas ng patente o ng mga PATENTS

8. ng iba pang serbisyo na ibinibigay ng

• National Bureau of Investigation
-tulad ng NBI Clearance

• Ang Philippine Statistics Authority (PSA)

Tulad ng National ID Registration
• Ang PhilHealth
– ang Checking at updating ng membership status
– at ang pagpasok ng mga karapatdapat na indibidual.

(Rpn-Baguio/Jimmy Bernabe/Joel Cervantes)

(Source: PIO Benguet)

Leave a Reply