Baguio: LGU La Trinidad, Benguet nagbigay ng pondo sa nasunogan sa Bontoc, Mt. Province

0
4

La Trinidad, Benguet – Nagbigay ang lokal na gobierno ng La Trinidad ng tulong pinansyal para sa mga biktima ng sunog sa Bontoc, Mt. Province. Aabot sa P100,000 ang napagkasunduan ng Sangguniang Bayan na pundo para sa financial assistance kasabay sa regular session nila noong Abril 18, 2023.

Ayon kay Konsehal Galwan ang Chairman ng Committee on Disaster Risk Reduction Management ng konseho, ang pundo ay nagmula sa trust fund ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng La Trinidad.

Matatandaan naalarma ang mga residente ng Bontoc, Mt. Province kasabay ng siklab ng sunog sa oras alas dos ng madaling araw noong Abril a 11 ng kasalukuyang taon. Dahil dito, umaabot sa 22 struktura ang kaagad natupok, 11 ang bahagyang nasunog kasama pa ang 9 na sasakyan at isang motorsiklo.

Aabot sa 90 pamilya na binubuo ng 214 na katao ang naapektuhan ng sunog.  Sa kasalukuyan, patuloy na tumatanggap ng tulong ang Bontoc para sa mga nasunugan. (Joel Cervantes, photo courtesy of Rod Awingan file)

Leave a Reply