Baguio: Lalaki namatay matapos na makulong sa loob ng Minahang Bayan sa Kalinga

0
4

Pasil, Kalinga – Namatay ang isang lalaki matapos na makulong sa loob ng isang Minahang Bayan sa Sitio Magadgad, Galdang Pasil, Kalinga. Kinilala ng Pasil Municipal Police Station ang biktima na si Milnar Bag-ayan.

Batay sa ulat ng Pasil MPS, mga dakong alas sais ng umaga December 4, 2022 ng bumigay ang isang parte ng minahang bayan na naging sanhi ng pagkakulong nito. Nagtulong tulong ang mga police at ang iba pang volunteers na iuuwi ang biktima sa tirahan nito sa Galdang, Pasil, Kalinga.

Kasabay nito, pinaalahanan ng mga may kapangyarihan ang mga minero na maging maingat habang sila ay nagtatrabaho sa loob ng Minahang Bayan. (Joel Cervantes, photo courtesy of Pasil MPS)

Leave a Reply