Baguio: Kaso ng pagpapatiwakal sa π—•π—”π—šπ—¨π—œπ—’ bumaba ng 𝟯𝟯 porsiento noong nakaraang taon.

    0
    14
    photo courtesy of PIO Baguio

    Baguio City – Iniulat ngΒ  City Health Services Office (CHSO) na ang mga kaso ng pagpapatiwakal sa lungsod ng Baguio ay bumaba ng 33 porsiento noong nakaraang taon kung ihahambing sa magkaparehong kaso napaulat noong mga nakaraang taon. Sinabi ni CHSO mental health and substance use program coordinator na si ginoongΒ  Ricky Ducas na mayroongΒ  24 nakadokumentong kaso ng pagpapatiwakal sa lungsod noong nakaraang taon kung ihahambing sa 36 na mga kaso naitala ng City Health Services Office sa mga nakaraang taon.Β 

     

    Gayon pa man,Β  Inamin niya na ang bilang ng mga kaso ng nagpapatiwakal naitala sa lungsod ay nanatiling mataas dahil sa ang inaasahang targetay ang zero suicide cases na upang iwasan ang pagkawala ng buhay. Sa kabilang dako, sinabi ni ginoongΒ  Ducas na ang mga kaso ng pagpapatiwakal sa mga kabataan lalong lalo na sa mga edad 15 hangang 19 ay bumaba mula sa 10 kaso ng insidente ng pagpapatiwakal sa nakaraang taon sa anim na lamang noong taong 2024.Β (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe\source: PIO Baguio)

     

    Leave a Reply