Baguio City-Tuba, Benguet – Malaking tulong para sa mga mag-aaral at guro ng Kiwas Integrated School sa Tuba, Benguet ang mga tablet at laptop na ibinigay ng Department of Education (DepEd). Ito ay Personal na inabot ni DepEd Secretary Juan Edgardo Angara sa mga mag-aaral at guro ang nasabing mga learning tools sa kanyang pagbisita sa paaralan nitong Araw ng Martes Pebrero a 25 ngayong taon.
Ayon kay Angara, sinisiguro ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang resource gaps sa mga eskwelahan. Samantala, Lubos namang nagpasalamat ang mga guro sa naibagay na learning tools. Ayon sa kanila, mas magiging makabuluhan na ang pagtuturo nila sa mga mag-aaral. Nagpasalamat din ang ilang mag-aaral sa natanggap nila na tablet sapagkat makakatulong ito sa kanilang mga online research works.(RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/source: PIA-CAR).
