Baguio City – Patuloy ang pagbaba ng mga naitatalang bilang ng kaso ng a COVID-19 sa rehion Cordillera.
Ayon sa datus ti Department of Health (DOH)-Cordillera, noong August 19, 2023, ay umaabot sa 18 ang active cases at ang mga ito ay asymptomatic hanggang mild lamang habang ang apat na itala ay ang average daily cases.
Sa gitna nito, bumaba ang ang mga kaso. Inimumunkahi ng DOH ang pagbabakuna at ang pagtanggap ng ika ikatlong booster dose sa mga kwalipikadong sector ng lipunan.
Sa buong rehion ay umaabot sa 97.35 ang mga nabakunaan na habang mababa pa ang vaccination rate sa panig ng booster doses.
Samantala, patuloy pa rin ang pag aalok ng bivalent COVID-19 booster vaccine sa mga kwalipikado o elligible population.
As of Aug. 16, 2023, umaabot na 49.42 percent o 5,812 ang nabakunaan ng bivalent vaccine. (Joel Cervantes, photo courtesy of DOH-CAR)