Baguio: Karagdagang mga units ng dialysis machine sa Benguet General Hospital meron na darating

0
14

La Trinidad, Benguet – Tiniyak ni Gobernador Melchor Diclas na madagdagan ang units ng dialysis machine na magagamit sa Benguet General Hospital.

Ayon sa gobernador, may sampung units ng dialysis machine na inaasahang darating upang maging 20 units ang magagamit sa nasabing ospital.

Binigyang diin niya nais nila na tanggapin ang lahat ng mga dialysis patients ng probinsiya ng Benguet kung saan libre itong ibinibigay.

Sinabi niya na patuloy ang pakikipag ugnayan nila sa opisina ng congressman para sa tulong medical ng mga mahihirap na mga pasyente.  Inamin niya na isa sa mga problema sa larangan ng serbisyong medikal ay ang maraming bilang ng mga dialysis patients ng Benguet na umaabot sa mahigit kumulang sa 800 na katao.

Ayon sa kanya ay umaabot sa 60 hanggang sa 70 ang pasyente na tinatanggap ng dialysis center sa Benguet General Hospital bawat lingo. Kung inyong matatandan na nais ng gobernador na magkaroon ng dialysis center sa mga ospital sa probinsya ng Benguet. (Joel Cervantes, photo courtesy of PIO Benguet)

Leave a Reply