Baguio: Kapulisan tumulong sa mga magsasaka sa paglinis at pag-impake ng gulay

0
11

Ang mga kapulisan ng Police Regional Office – Cordillera ay nagtulong-tulong upang ipakete ang mahigit sa 5,000 kilo ng iba’t-ibang klaseng sariwang gulay upang ipadala ito sa PNP National Headquarters sa Camp BGen. Rafael T. Crame, Quezon City kahapon.

Ang mga nakapaketeng gulay ay kinabibilangan ng repolyo, Chinese pechay o wombok, letiugas, bell pepper o sili, romaine lettuce, labanos, at carrots. Ang lahat ng mga ito ay sariwa at handa itong ipamahagi sa mga benepisaryo sa National Capital Region.

Hangad ng PRO Cordillera na tulungan ng mga lokal na magsasaka ng Cordillera sa pamamagitan ng pagbili ng kanilang aning gulay at upang tumulong sa kapareho nilang frontline workers sa pagtataguyod ng pagkain ng sariwa at ng masustansiyang pagkain.

Inaasahan ng Police Regional Office na ang mapagbigay na donasyon ng gulay ay makakatulong magbigay ng kaginhawahan at kainin ang mga ito ng nangangailangan.

(Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of PIA Cordillera)

Leave a Reply