Tabuk, Kalinga – Lubos nagpapasalamat ang Munisipio ng Bontoc sa Probinsiya ng Kalinga dahil sa tulong nito sa mga biktima ng sunog kamakailan lamang sa Barangay, Poblacion, Bontoc, Mountain Province.
Si Bontoc Mayor Jerome “Chagsen” Tudlong, Jr., na siya mismong Chairperson of the Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) at ang Responsableng opisyal ng Emergency Operations Center at ang Assistant Municipal Treasurer ang tumanggap ng P100,000.00 libong cheque mula kay Kalinga Provincial Assessor Jeffrey L. Uyam at Consultant for Culture and the Arts, na si Mauricio E. Patonga ng Kalinga Governor’s Office.
Mismong sila ang naghatid ng cheque bilang kinatawan ni Kalinga Governor James S. Edduba sa opisina ng gobernador ng Mountain Province nung nakaraang Abril a 13, 2023.
Ang pagbibigay ng tulong ay sinaksihan ni Mountain Province Governor Bonifacio Lacwasan, Jr., ang kinatawan ng Provincial Indigenous Peoples Mandatory na si Tomas Tawagen, at mga tauhan mula sa gobiernong probinsiyal. (Joel Cervantes, photo courtesy of PIA Cordillera)
