Baguio: Itogon municipality at Commission on Population and Development–Cordillera Region magsasagawa ng Population Development Plan sa taong 2023 hanggang 2028

0
6
photo courtesy of LGU Itogon

Itogon, Benguet – Pumirma ng Memorandum of Understanding ang pamahalaang munisipyo ng Itogon sa pamumuno ni LGU Mayor Bernard S. Waclin, at ang Commission on Population and Development Cordillera (CPD-CAR), sa pamamuno ni Regional Director Dr. Cecile Aguilan Basawil sa Municipal Hall ng naturang bayan noong Lunes.

Binabalangkas ng Memorandum of Understanding ang pagsasagawa ng naaprubahang Philippine Population and Development Plan of Action (PPD-POA) 2023-2028.

Ang PPD-POA ay isang limang taong agenda na inihanda upang mapag igi ang demographic na pagkakataon at tugunan ang natitirang hamon sa populasyon” sa paggamit ng mga programa nakatuon sa pagdami ng tao, ang responsible pagplano ng pamilya, at ang kalusugan ng mga magbibinata at ng mga nagdadalaga.

Nagkasundo ang dalawang panig na magtatag ng mekanismo ng pagtutulungan upang matamo ang socio-economic development goals nakalagay sa Philippine Population and Development Plan of Action 2023-2028. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)

(Source: PIO Itogon)

Leave a Reply