La Trinidad, Benguet – Isang driver ng oil tanker ang namatay matapos bumangga at sumabog ito sa Puguis, La Trinidad, Benguet noong linggo ng madaling araw.
Ito ay nagmula umano sa isang oil tanker na bumangga sa isang bodega sa harapan mismo ng isang police substation ng La Trinidad Municipal Station at sa Puguis Elementary School sa Puguis, La Trinidad.
Sa pagkabangga nito, sumabog ito at nagdulot ng sunog sa bodega at kalapit na mga establisimento sa naturang lugar. Agad namang dinala ang driver ng naturang oil tanker sa pinakamalapit na pagamutan ngunit sinawing palad namatay ito.
Ayon sa imbestigasyon ng kinauukulan nawalan umano ng preno ang oil tanker at ito ang dahilan kung bakit bumangga ito. (RPN-Baguio/Jimmy Bernabe/Joel Cervantes)
(Source: LTMPS La Trinidad)
