Baguio City – Ang Cross Country Runner na si Police Staff Sergeant Miguelito Carranza ay pinarangalan at pinapurihan ng lokal na gobierno noong matapos ang flag raising ceremony noong Enero 8, 2024.
Ang lokal na gobierno na kinakatawan nila Mayor Benjamin Magalong kasama niya sila Congressman Mark Go, Vice Mayor Faustino Olowan at ng miyembro ng lokal na konseho ang nagparating ng kanilang pagbati sa natamo ni Carranza.
Matandaan na si Carranza ay nakakompleto sa 2023 World Police and Fire Games na ginanap sa Winnipeg, Canada noong nakaraang Hulyo 28 hangang Augusto 5 ng nakaraang taon.Â
Ang naturang kaganapan ay ang pinakamalaking multi-sport events sa buong mundo, nagdiririwang ng athletic excellence, katapangan, at pakikipagkaibigan kabilang sa mga first responders sa buong mundo.
Si Staff Sergeant Carranza ay nanalo ng gintong medalya sa Cross Country Running at Bronze na Medalya sa 10km Track and Field. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of Baguio City Public Information Office)
