La Trinidad, Benguet – Isang magsasaka ang nanakawan ng gulay na patatas may timbang na 600 kilos. Ayong sa magsasaka na ayaw niyang sabihing ang kaniyang pangalan kanyang inihatid ang kanyang gulay para maibenta gabi ng Sabado, Hulyo 9, 2022.
Dahil sa kapaguran pagkahatid ng magsasaka ang kanyang gulay sa dating niyang suki ito’y iniwan para makitulog sa kamag-anak. Ang patatas niya ay naka loob sa mga sako at madaling ilipat kung sakali man. Ng balikan niya ang sasakyan kinabukasan nikita niya na wala na ang karga at tinanong sa kanyang suki kung naibenta na ang kanyang patatas.
Nagulat ang kanyang suki dahil wala naman siyang ibinenta. Dito nalungkot ang magsasaka dahil ang pinagpaguran niya ay nawala. Ginawa niyang lahat ng kanyang makakaya subalit talagang wala na.
Naidulog ito sa Pulis La Trinidad subalit hanggang ngayon wala pang matukoy na suspect sa pagkawala ng gulay. Nangyari ito sa isang pribadong pagbentahan ng gulay. May hakahaka na sa loob na La Trinidad Trading post nangyari pero di naman kasi sa labas ng La Trinidad Trading Post ang nangyari ang sinasabing nakawan.
Kung si Mayor Romeo Salda ang tanungin kaniyang sinabi na pinahahalagaan niya ang mga magsasaka na pumapasok sa loob ng trading post, ito’y sarado at may mga tagabantay watchmen sa gabi. Sa loob ng Trading post din ay may mga CCTV na nakalagay. Sabi pa ni Mayor Salda na ang mga masisipag na farmer dapat sila’y alagaan dahil sila ang nag hahatid ng mga pagkain sa hapag kainan na dapat silay alagaan. (Joel Cervantes)
