Baguio: Isang kasunduan sa pagtutulungan sa E-Waste, pinirmahan na

0
11

Baguio City – Isang kasunduan ang pinirmahan ng lokal na opisyal ng pamahalaang lungsod, ganon ng ahensiya mula sa national gobierno at ng pribadong sektor ang pinirmahan.

Naglalayon ang naturang kasunduan sa pagtatatag ng isang electronic waste treatment, storage at disposal (TSD) area sa isang Materials Recovery Facility (MRF), Bakakeng Central barangay hall, Crystal Cave.

Pinangunahan ni Mayor Benjamin Magalong ang pagpirma kasama ang mga opisyal sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), Environment Management Bureau (EMB), United Nations Industrial Development Organization (UNIDO), Integrated Recycling Industries (IRI) at ng iba pang mga ahensiya.

Naroroon din ang mga tauhan ng Zero and Eco-waste coalitions, City Environment and Parks Management Office (CEPMO) at maging opisyal ng Bakakeng Central barangay kasama dito si Punong Barangay Daniel Dan sa panahon ng pagpirma.

Nais tapusin sa pamamagitan ng pagpirma ay ang gastos sa pagpatakbo, ang pagpapatuloy nito at problema ng mga dismantlers o ang manggawa nito.

Kinakailangan na 10 tonelado ng basura bawat taon ang maaring tanggapin sa lugar ng treatment, storage at disposal (TSD). (Joel Cervantes | Jim Bernabe, photo courtesy of PIO Baguio City)

Leave a Reply