Baguio City –Β Ang Lungsod ng Baguio gustong paimbestigahanΒ ang humigit saΒ 51 puno ng Benguet pine ang napatay at mahigit sa 46 pa ang nalalagay sa panganib dahil sa isinasagawang construction saΒ Pucsusan Barangay, di umano ay may kaugnayan saΒ SMI Development Corporation, isang nakabasengΒ developer sa Maynila. Ito ay dumating sa nakaraang pagpuputol ng puno na kung saan sa 52 atΒ 41 Benguet pine trees ay pinutol noong taong 2022 at taongΒ 2023 na magkakasunod sa ilalim ngΒ tree-cutting permits na pinalabas ngΒ Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Ayon saΒ DENR-Cordillera Administrative Region (CAR), ang pagtatayo ng hotel ay nabigyan ngΒ environmental compliance certificate (ECC) atΒ ng clearance o pahintulot mula saΒ Lower Agno Watershed Forest Reserve-Protected Area Management Board (LAWFR-PAMB) noong EneroΒ 2020, na ipagpatuloy ang pagtatayo ng naturang proyekto sa ilalim ng ilang kondisyon.Β Β Ang nasabing ariarian ay pag aari ngΒ SMI Development Corp., na isang titulong lugar na diumano ay matatagpuan saΒ Multi-Use Zone ngΒ Lower Agno Watershed Forest Reserve. Isang sertipiko tungkol sa kalagayan ng lupa ang ipinalabas ngΒ PAMB na nagsasabi na ang naturang ari arian ay nasa labas ngΒ anumang military reservation at ito ay nasa loob ng Baguio Townsite Reservation.
Sa halip ,sinabi na may hurisdiksyon ay sa ilalim ng pamahalaang lungsod partikular angΒ Section 226 of Ordinance 18-2016 or the Environment Code of Baguio City. Samantala, Nagpahayag ng pangamba si konsehal Jose Molintas sa patuloy na pagkasira ng mga punong kahoy doon kahit na ipinatitigil ito ng CEPMO. Kanyang binigyang diin ang mabilisang aksyong legal at mahigit na pagsubaybay upang maiwasan ang lubhang pagkasira ng kalikasan doon.Β
Samanala, hinikayat ni Molintas angΒ City Buildings and Architecture Office (CBAO) na imbestigahan ang nasabing bagay at kung may paglabag, maaring mapawalang bisa ang building permit ng nasabing kompanya.Β Sa kaugnay na balita.Β Inimbitahan ng lokal na konseho ang DENR-CAR at ang SMI Development Corp. sa regular na sesyon nito saΒ MarsoΒ 17 upang ibigay nila ang kanilang panig sa naturang isyu.Β (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/Source: PIO Baguio)