Baguio City – Ipinanukala ni Konsehal Leandro Yangot Jr. ang isang ordinansiya na nagdedeklara ng Agusto a primero bawat taon bilang Arbor Day o Araw ng Pagtatanim ng Puno sa lungsod ng Baguio upang pangalagaan ang pamanang ekolohikal ng lungsod ng Baguio.
Sa ilalim ng naturang ordinansiya, Itinatalaga ang ang Augusto a primero bilang Arbor Day o ang araw ng pagtatanim ng puno sa Baguio na bilang piesta opisyal upang matiyak ang malawakang pagsali ng mga mamamayan nito. Ang lahat ng mga mamamayan na may kakayahan ng lungsod ng Baguio na may edad sa 15 at pataas ay kinakailangan na magtanim ng hindi kukulangin sa isang puno ng kahoy taon –taon.
Sinabi ito ni Konsehal Yangot na bilang isang pangangailangan na nagbibigay diin sa personal responsibilidad para sa pangangalaga ng kalikasan at ang paglalagay sa kaisipan ang kultura ng pagpapatuloy at ang pangangalagang ekolohikal sa mga taga lungsod ng Baguio. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/Source: PIO Baguio)
