Baguio: Hinikayat ng Professional Regulation Commission-Cordillera (PRC-CAR) ang publiko na siguraduhing lisensyado ang mga nagbibigay sa kanila ng serbisyo

    0
    10
    photo courtesy of PRC-CAR

    Baguio City – Ayon kay Atty. Cresente Lumerez ng PRC-CAR, nasa 28 na pekeng propesyunal ang nahatulan sa rehiyon mula 2012. Ang pinakahuling nahatulan sa unang semester ngayong 2024 ay isang pekeng doktor. Dahil pa rin ito sa presensiya ng ilang indibidual na namemeke ng kanilang mga lisensiya.

    Aniya, karamihan sa fake professionals na nahuhuli ay pekeng professional teachers, pekeng nurses, at pekeng civil engineers. Sa ngayon ay nasa 202 ang nakabinbin ng mga kaso ng erring professionals sa Cordillera.

    Nasa 18 criminal cases ang hawak ng PRC-CAR kung saan, sampu ang naisampa na sa korte, isa ang iniimbestigahan sa prosecutor’s office, at pito ang naendorso sa National Bureau of Investigation. Ang mga mapapatunayang nagkasala ay maaaring mabilanggo ng anim na buwan hanggang anim na taon. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe)

    (Source: PRC-CAR)

    Leave a Reply