25.6 C
Manila
Sunday, March 3, 2024

Baguio: Hiling ni Mayor Benjie Magalong laban sa paninigarilyo kailangan pang mapag-ibayo

- Advertisement -

Natutuwa si Mayor Benjie Magalong sa pagkilala sa Lungsod ng Baguio sa mataas na pagsunod laban sa paninigarilyo sa lahat ng lugar sa ating lungsod.

Kasabay nito ay nagpapasalamat ang Ama ng lungsod sa napakalaking pagbabago ngunit kailangan pa rin ng mas higit pa rito. Ito ang naging mensahe ni Mayor Benjamin Magalong na binasa ng City Mayor’s Office staff na si Vic Jimenez sa kasagsagan ng Smoke-Free Research Dissemination Forum, kamakailan lamang na isinagawa ng Cordillera Regional Health Research and Development Consortium.

Kanyang binigyang diin, na ang Lungsod ng Baguio ay may mataas na grado na 93.3 porsiento na walang naninigarilyo sa labas ng bakuran nito.

Kasabay nito, ang Mayor ng lungsod ay nagpasalamat sa itinalagang tagapagpatupad nito sa mga barangay, ang Public Order and Safety Division, ang Baguio City Police Office, ang pribado at nasa gobiernong sektor at ang kommunidad sa kabuan na tinanggap na bawal na ang manigarilyo sa mga pumpublikong lugar.

Gayon pa man, inamin ni Mayor Magalong na madami pa po tayong tatrabahuin sa aspeto ng adherence to policy at lalong lalo na sa enforcement within premises. Kanyang binanggit sa ulat na may second-hand smoke na nanatili sa mga pribadong bahay at ang kanyang panukala ay kailangan na matugunan ang pagkalat nito sa mga pribadong compounds at sa mga espasyo na nanatiling problema lalong lalo na sa Baguio na kung saan ang mga bahay ay magkakatabi at malapit sa bawat isa.

(Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy by PIO Baguio)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -