32.3 C
Manila
Friday, October 7, 2022

Baguio: Hiling ng mga modernized jeep na makatontong sa centro ng La Trinidad dapat exempt sa coding scheme

- Advertisement -

La Trinidad, Benguet – Hinihiling ng Board of Directors ng Baguio Benguet Transport Cooperative kay La Trinidad Municipal Mayor Romeo Salda at sa Sangguniang Bayan ng La Trinidad na mabigyan ng provisional exemption ang makabagong jeepney sa coding scheme ng naturang munisipio.

Visit RPN DZBS Baguio

Ayon kay Baguio Benguet Transport Cooperative Board of Directors Chairperson Joseph Malecdan na problema ng mga makabagong jeepney na may rutang Alapang-Alno ang kakulangan ng kanilang kita dahil sa mataas na presyo ng Krudo at gasolina. Sinabi ni Malecdan na may mga garage vehicles na nagpapasada sa la Trinidad pa rin  na siya ring umaapekto sa kanilang kita. Kanyang idinagdag na ang mga pasahero nila mula Alno at Alapang, La Trinidad, Benguet ay humihiling na maideretso sila hanggang kilometer 5 kung saan ay nagdodouble ride sila upang makarating sila doon at ninanais nilang minsanang pasahe na lang.

Samantala, ang kanilang kahilingan ng Provisional exemption sa coding scheme ay naipasa na sa Committee on Public Utilities and Transportation ng Sangguniang Bayan ng La Trinidad upang mapag aralan itong mabuti. (Joel Cervantes, photo courtesy of SB LTB)

- Advertisement -

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -