Benguet Province – Nagpahayag ng pagpapahalaga si Benguet Governor Dr. Melchor Daguines Diclas sa mga sakripisyo ng mga Overseas Filipino Wokers (OFWs) sa pagdiririwang ng ika-17th Hong Kong Adivay.
Ang pagdiririwang ay ginanap sa Chater Road, Central, Hong Kong noong linggo. Siya inanyayahan bilang panauhing pandangal at tagapagasalita. Binigyang diin ni Governor Diclas ang pakikipagkaibigan ay maaring matamo sa diwa ng “Adivay,” na ang ibig sabihin ay ang pagtatagpo.
Kanyang sinabi na patuloy siyang nakikipag ugnayan sa iba’t ibang opisina at opisyal upang madala ang de kalidad na serbisyo para doon sa naiwan ng mga OFWs sa ating bansa.
Samantala, nangako si Congressman Eric Go Yap ng P300,000 piso sa Hong Kong Benguet Federation bilang tulong sa miyembro o kasapi para medikal na pangangailangan at kahintulad nito. Kanya din binigyang diin ang ibig sabihin ng Adivay na ang pagsasama sama at nagtutulungan, na walang puwang ang pagkakahiwalay hiwalay at ang poot. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe)
(source: PIO Benguet)