Baguio: Ginanap ang 15th Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Benguet noong Sabado at nagtapos kahapon

0
27

La Trinidad, Benguet – Ayon kay Benguet Congressman Eric Go Yap, ang punong abaya para sa Bagong Pilipinas Serbisyo fair dito sa probinsiya, sa panayam na isinagawa sa CHK function hall ng Benguet State University noong Sabado ng hapon, inaasahan niyang 80,000 mamamayan ng probinsiya ang makakaramdam ng tulong ng national na gobierno.

Anya ibinabalik lamang ng nacional na gobierno ang buwis na ibinabayad ng mamamayan sa gobierno at ang gobierno naman ang nagbabalik sa anyo ng mga serbisyo.

Sinabi pa ni Yap na ang hangad ng fair ay dalhin ang serbisyo sa tao at yan po ang hangad ni pangulong Bong Bong Marcos at House speaker Ferdinand Martin Romualdez at ng mga kongresista ng mababang kapulungan.

Samantala, ang National secretariat of the BPSF at chief of staff ni House Speaker Martin Ferdinand Romualdez na si Ginoong Sofonias “Ponyong” Gabonada ang nagsabi na hindi lamang ang ganda ng turismo ang hatid natin dito sa Benguet kundi ang daan-daang serbisyo ng 15th Bagong Pilipinas Serbisyo Fair.

Sa probinsiya ng Benguet, Inaasahan nilang mabibigyan ng serbisyo ang 18,000 beneficiaries o half a billion pesos na halaga ng mga programa at serbisyo ng 70 ahensiya ng gobierno at ng pribadong sector BSU Grounds noong Linggo at kahapon, Lunes.

Maliban dyan 61 miyembro ng Kamara kabilang ang House Speaker Ferdinand Martin ay inaasahang mag-oobserba kung paano ang mga opisina ng ahensiya ng pamahalaan at ilang pribadong sektor ay magbigay serbisyo sa mamamayan ng Benguet.

Kaya, ang paanyaya ng congressman Eric Go Yap, tayo po ay dumalo sa nasabing serbisyo ng gobyerno. (Jimmy Bernabe | Joel Cervantes)

(Source: PIA Cordillera)

Leave a Reply