Baguio: DSWD namahagi ng isang milyong pisong halaga ng makataong pagtulong sa Rehion 1, 2 at CAR sa sinanlanta ng Bagyong Julian

0
4
photo courtesy of DSWD-CAR

Baguio City – Nagbigay na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mahigit sa P1 million na makataong pagtulong sa mga Rehion I at 2 at sa Cordillera Administrative Region, ang mga rehion na mga ito ang tinamaan ng bagsik ng Bagyong Julian.

Iniulat ng DSWD Field Office 1-Ilocos Region na sila ay nakapagpamahagi ng 1,000 family food packs sa lokal na pamahalaan ng Dingras sa Ilocos Norte, habang ang DSWD Field Office 2-Cagayan Valley ay namahagi din ng food and non-food items sa mga tinamaan ng Bagyo sa mga munisipyo ng Santa Ana, Santa Praxedes, Pamplona, Aparri, at Santa Teresita sa probinsiya ng Cagayan.

Nagdala din ang DSWD ng 64,289 Family Food Packs sa probinsiya ng Abra, lungsod ng Baguio Benguet, Ifugao, at Mountain Province na tinamaan ng bagyo. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)

(Source: DSWD-CAR)

Leave a Reply