Baguio: Department of Health sa Cordillera target na makamit ang Zero casualty sa fireworks sa taon ito

0
3

Baguio City – Nais ng Department of Health (DOH) – Cordillera na makamit ang zero casualty fireworks related injuries ngayong taon. Sinabi ni DOH-CAR Regional Director Rio Magpantay, isinusulong nila ang Ligtas Christmas Healthy Pilipinas habang paparating ang Pasko at ng Bagong taon.

Matatandaan na nailista DOH-CAR ang 66 na kaso ng fireworks related injuries simula noong 2017 hangang 202. Naitala ang 22 ang pinakamataas na kaso noong 2019 samantalang nailista ang apat ang pinakamababang kaso noong 2020 o noong unang tumama ang pandemia.

Sa Abra, naitala ang 24 ang pinakamataas na kaso doon. Karamihan sa nasugutan ng papatok ay mga kalalakihan dahil na rin sa paggamit ng boga at ng piccolo.

Dahil dito, mahigpit ang kampanya at pananatnubay ng department of Health tungkol sa fireworks related injuries. (Joel Cervantes, photo courtesy of DOH –CAR)

Leave a Reply