Baguio: Department of Agriculture nagbigay Tindahan ng Isda o Fish Mart sa mga mangingisda ng Ballay Kabayan

0
5
(Photo courtesy of PIO Kabayan)

Ang kagawaran ng Agrikultura – Bureau of Fisheries and Aquatic Resources -Cordillera (DA-BFAR-CAR) ay nagbigay ng Post Harvest and Marketing Livelihood Project “Fish Mart” to the Pond sa samahan ng mga mangingisda ng Ballay, Kabayan, Benguet.

Ang nasabing programa ay nasa ilalim ng layunin ng nasabing kagawaran upang magbigay tulong sa sektor ng Pangingisda sa pagbibigay ng post-harvest and marketing assistance upang itaguyod ang seguridad sa pagkain at tiyakin ang pang-ekonomiyang pag-unlad ng mga samahan ng mga mangingisda at kooperatiba sa Rehiyon Cordillera. Ang paglipat ng Post Harvest and Marketing Livelihood Project “Fish Mart” ay sinaksihan ng opisina ng Municipal Agriculturist sa pangunguan ni Ginoong Geofrey B. Binaliw, at ng Mayor’s Office sa pamamagitan ni Ginoong Mark D. Torres, sa ngalan ni Mayor Florante B. Bantales, Jr. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe)

(Source: DA-CA)

Leave a Reply