Baguio: DENR CAR Regional Executive Dir. Paquito Moreno Jr. binigyan diin ang mandato ng ahensya

0
32
photo courtesy of Philippine Information Agency Cordillera Administrative Region Facebook page

Baguio City – Ibinahagi ni Moreno na ang ahensiya ay may trabaho upang protektahan, pangalagaan, ibalik at muling makabuo ng natural na systema sa bansa. Kanya ring hinikayat ang pangangailangan upang maging balanse ang pabago-bagong kapaligiran, ang katatagan ng klima at mapanatili ang kaunlaran.

Inihayag din ni Moreno ang mga nagawa ng kanyang ahensiya lalo na sa biodiversity conservation, sa pamamahala ng protektadong lugar, pangangalaga ng mga yungib, ang pangangalaga ng tubig, ang pagsubaybay sa kalidad ng tubig, pangangasiwa at disposisyon ng mga lupang mineral, pangangalaga ng mga kagubatan, pamamahala sa mga lupain, at pakikipagtuwang upang maisakatuparan ang pangangalagang kalikasan sa ginanap na Kapihan sa Bagong Pilipinas noong Hulyo 16. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)

(Source: DENR-CAR PIO)

Leave a Reply