28.8 C
Manila
Monday, February 26, 2024

Baguio: Dalicno Indigenous People’s Organization ng Itogon, Benguet may petisyon kontra kay Acting NCIP CAR Regional Director Atanacio Addog

- Advertisement -

Ang mga kinatawan mula sa Dalicno Indigenous People’s Organization (DIPO) mula sa Sitio Dalicno, Barangay Ampucao, Itogon, Benguet ay nagsagawa ng petisyon laban kay Acting NCIP CAR Regional Director Atanacio Addog, sa punong tanggapan ng NCIP sa Kamaynilan.

Ang kanilang petisyon ay kanilang tinutuligsa sa pamamagitan ng isang resolusyon na ipinadala ni ginoong Addog na nagpapawalang bisa sa mga panawagan o protesta ng Dalicno Community tungkol sa paglabag ng proseso ng FPIC sa panukalang mining expansion project (APSA 103) ng Itogon-Suyoc Resources, Inc., na isang kompanya na pag-aari umano ng mayaman na mangangalakal na si Enrique Razon na may-ari din ng Apex Mining.

Ang kommunidad ng Dalicno Community ay nagpunta din sa Itogon Municipal Office upang makipag-usap sa Mayor ng naturang munisipyo.

(Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy by PIO Itogon)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -